Karagdagang apat na bangkay pa ang natagpuan sa lugar kung saan lumubog ang tourist boat sa Danube sa Budapest.

Nakita ang nasabing mga bangkay ng i-angat ng floating crane ang lumubog na The Mermaid tour boat at doon sinamantala ng mga divers na sisirin ang lugar.

Naging pahirapan pa ang rescue efforts ng Hungary at South Korea dahil sa mataas na level ng tubig sa Danube.

Magugunitang lumubog noong nakaraang buwan ang tourist boat na lulan ng mga South Korean tourist kung saan 20 katao ang patay habang walo naman ang nawawala.