-- Advertisements --
Gumamit na ng tear gas ang mga kapulisan sa Kenya para maitaboy ang nagsagawa ng kilos protesta.
Sumiklab ang kilos protesta para ipanawagan ng mga mamamayan doon kay President William Ruto na dapat pabababain ang mga presyo ng bilihin.
Inudyukan ng mga taga-oposisyon ang mamamayan na magsagawa ng tatlong araw na kilos protesta para bawiin ang ipinatupad na pagpapataw ng buwis.
Dahil sa nasabing kilos protesta ay maraming mga negosyo at paaralan ang nagsara sa capital na Nairobi.
Bukod sa Nairobi ay may ilang kilos protesta ang naganap sa ibang bahagi ng Kenya.
Itinuturing ng kapulisan doon na iligal ang kilos protesta dahil sa walang mga permit ang mga ito.