-- Advertisements --

Gumamit na ng tear gas ang mga kapulisan sa France para maitaboy ang mga nagsagawa ng kilos protesta sa labas ng Kurdish community center sa Central Paris.

Kasunod ito sa nangyaring pamamaril ng isang lalaki sa lugar na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng apat na iba pa.

Sumiklab pa ang nasabing protesta na galing sa Kurdish diaspora ng bisitahin ni French Interior Minister Gerald Darmanin ang lugar kung saan nangyari ang pamamaril.

Pawang mga kurds ang nasawing biktima habang ang 69-anyos na Frenchman suspek ay naaresto.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad doon na isang uri ng racism ang insidente dahil sa nakulong na rin ang suspek noong nakaarang mga buwan dahil sa kasong racism.

Tinanggal ng mga otoridad ang posibilidad ng terrorism sa nasabing insidente.