-- Advertisements --

BOGO CITY, Cebu – Magpapadala ng mga medical personnel ang kapitolyo sa ospital sa lungsod ng Bogo, Cebu matapos mapaulat na nitong Hulyo 13 ay isinailalim sa quarantine ang ilan sa kanilang mga kawani.

Inihayag pa ng pinuno ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) Christina Giango, na inatasan sila ni Gov. Gwendolyn Garcia na magpadala kaagad ng augmentation team para sa nasabing lungsod.

Sa ngayon, limang nurses at limang nursing attendants ang inilagay sa kanilang bagong assignments sa hilagang bahagi ng Cebu.

Patuloy pa aniya ang kapitolyo sa pagbibigay ng mga personal protective equipment(PPEs) sa 4 na provincial at 12 district hospitals.

Nilinaw din ni Giango na hindi bumili ng Tu-ob kits o materyales para sa steam inhalation ang probinsiya salungat sa pahayag ng isang doktor.