Kanye West
-- Advertisements --

Tuluyan ng binago ni Kanye Omari West ang kaniyang pangalan.

Pinayagan na kasi ng korte sa US ang hiling ng rapper na palitan na lamang ang pangalan nito bilang “Ye”.

Inihain ng rapper ang petisyon noong dalawang buwan na ang nakakaraan.

Mula pa noon kasi ay nais ng rapper na tawagin siya sa huling dalawang letra ng kaniyang pangalan na “Ye”.

Gagamitin naman ng asawa nitong si Kim Kardashian ang apelyido nitong “West” ganon din sa kanilang mga anak.

-- Advertisement --