-- Advertisements --
Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagtalima sa anumang ipatutupad na pagbabago ng Senate Impeachment Court sa impeachment trial.
Ayon kay Atty. Michael Poa, lead spokesperson at defense counsel ni VP Sara, nakahanda sila sa magiging direktiba ng korte.
Nauna nang sinabi ng House prosecution panel na pabor silang simulan ang impeachment trial ng bise presidente alas-3 ng hapon at palawigin hanggang Biyernes para paspasan ang paglilitis.
Kinumpirma rin ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Biyernes na nagkaroon na nang consensus ang mga senator-judge na ilipat o ibalik sa hapon ang trial.
















