Ikinatuwa ng kampo ni Vhong Navarro ang desisyon ng Court of Appeals na tanggihan ang apela ni Cedric Lee na ibasura na ang kasong isinampa sa kaniya ng illegal detention for ransom.
Ang nasabing kaso ay isinampa ng komedyante noong 2014 ng siya ay saktan ng grupo ng negosyante.
Nakasaad sa nasabing kaso na binantaan pa ito ng kaniyang buhay at hinihingian ng pera para siya ay mapalaya.
Ang nasabing 12 pahinang desisyon ay pirmado ni Associate Justice Angelene Mary Quimpo Sale na nagpapatibay ng 17th Division ng Court of Appeals sa utos na unang inilabas ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) sa mosyon ni Lee na ibasura ang kaso.
Sinabi ng abogado ni Navarro na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na ang desisyon ay nagpapatunay na biktima ang kaniyang kliiyente.
Umaasa ito na makakamit ng actor ang hustisya.
Magugunitang noong Enero 2014 ng ireklamo ni Deniece Cornejo ang actor ng pang-aabuso na naganap sa isang condominium sa Taguig.
Nasangkot si Lee ng ipaghiganti nila ang model sa pamamagitan ng pananakit at iligal na pagdetina sa komedyante.