Kinuwesitiyon ng kampo ng modelong Deniece Cornejo ang paglalagay kay Vhong Navarro sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na ito ay boluntaryong sumuko matapos ilabas ang warrant of arrest nito sa kasong rape.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio ang legal counsel ni Cornejo na dapat doon ilagay na sa Taguig City Jail ang actor base na rin sa procedure ng itinakda ng batas.
Giit pa ni Topacio na nakalagay sa batas na dapat sa doon ilalagak sa lungsod ng Taguig ilagak ang actor dahil doon inilabas ang nasabing warrant of arrest nito.
Paliwanag pa nito na ang puwede lamang na ipiit sa NBI facilities ay yung mga actong naaresto sa ginagawa nilang krimen.
Magugunitang lumabas ang warrant of arrest ng actor sa kasong rape mula sa branch 69 ng Taguig Regional Trial Court.
Una ng sinabi rin ng actor na kanilang hinihintay ang commitment order mula sa korte at ang resolusyon para sa basehan ng kaniyang kaso kung saan naghahanda ang kampo nito para sa paghahain ng petition for bail.