Umaasa ang kampo ni dating Senator Leila de Lima na mapabilis ang paglabas ng resolution sa bail plea na kanilang inihain para sa temporaryong pagpapalaya matapos ang anim na taon na pagkakakulong.
Sinabi ni Atty. Boni Tacardon, ang abogado ng dating senador, na kahit sinuman ay umaasang makalaya matapos ang mahabang paglilitis.
Matapos ang pagbasura sa testimonya ng isang witness na si Herbert Colanggo ay hinihintay nila ang pagpresenta pa ng huing witness na si Jojo Baligad sa Muntinlupa Regional Trial Court.
Magugunitang noong Pebrero 24 ang ika-anim na taong anibersaryo ng dating senador sa kulungan dahil sa alegasyon ng pagpapalaganap ng bentahan ng iligal na droga sa National Bilibid Prison.
Naghain na rin ng kampo nito ng request sa Muntinlupa RTC Branch 204 na humihiling ng pagbasura sa illegal drug case nito.
Susunod na pagdinig ng kaniyang kaso ay sa darating na Marso 17.