-- Advertisements --

Iniiwasan na umano ng kampo ni Sen. Leila de Lima ang paghahain ng sari-saring mosyon at petisyon na magpapatagal ng proseso ng korte sa dinidinig na mga kaso ng senadora.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo ng legal counsel ni De Lima na si Atty. Boni Tacardon, kasabay ng paggunita ng ika-apat na taong pagkakakulong ng mambabatas, dahil sa patung-patong na drug related cases.

Ayon kay Tacardon, kahit malinaw na walang ebidensya, kailangan pa rin nilang daanan ang mga proseso, kasama na ang ilang pagka-antala.

Pero nilinaw nitong hindi sila ang cause of delay ng desisyon, dahil mula noong umpisa ay hinahangad na nilang matapos ang nasabing usapin.

“Bagama’t handa si Sen. De Lima sa mahabang legal battle, iniiwasan natin ang mga delay para matapos na ito, matagal na ang apat na taon, para sa kasong walang malinaw na ebidensya,” wika ni Tacardon.