-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng Philippine Azkals U-23 sa 31st Southeast Asian Games matapos na biguin sila ng Indonesia 0-4.

Nasa pang-apat kasi na puwesto na ang Azkals sa Grupo A na mayroong isang panalo, dalawang talo at isang draw.

Tanging ang dalawang top 2 teams sa bawat group ang makakaabanse sa final four.

Naging maganda ang pagsisimula ng Azkals sa SEA Games ng tambakan ang Timor Leste 4-0 at hinila ang defending champion na Vietnam sa scoreless draw.

Subalit tinalo sila ng Myanmar 2-3 na nagbunsod sa pagkatanggal ng Pilipinas sa top 2.

-- Advertisement --