Maraming mga community-based projects ang ipinapatupad ngayon ng Philippine National Police (PNP) na bahagi ng kanilang kampanya para tugunan ang problema sa insurgency sa bansa.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, hindi lamang sa internal security operations nakatutok ang pambansang pulisya kundi nakatuon din ang kanilang atensiyon sa mga tinatawag nilang non-confrontational projects, halimbawa dito ang Revitalize Pulis sa Barangay Program.
Naniniwala si Lt.Gen.Vera Cruz na hindi matutuldukan ang problema sa insurgency kung idadaan ito sa pamamagitan ng paglunsad ng mga combat operations.
Giit ni Vera Cruz, mahalaga ang “whole of government approach” para tuluyan ng matapos ang problema sa CPP-NPA.
“Alam naman natin yung duplicity and deception being employed by the CPP/NPA kaya there are clusters in charge of LGU empowerment, international engagement, Legal Cooperation, Strategic Communication, basic Services, Poverty Reduction, Livelihood & Empowerment and others that address the root causes of insurgency and the CPP/NPAs’ support systems including its legal fronts,” mensahe ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Katuwang naman ng PNP sa kanilang community programs ang iba’t ibang stakeholders.
Kabilang sa mga programa na inilunsad ng PNP ay ang Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers na tumutulong sa PNP sa kampanya laban sa CPP-NPA at maging sa kanilang kampanya kontra kriminalidad, illegal drugs at terrorism.
“Yes Anne. Ang programs ng PNP ay nakapaloob predominantly sa Peace, Law Enforcement and Development Support (PLEDS) Cluster though may mga related projects din in the 11 other clusters like Sectoral Unification, Capacity Building, Empowerment and Mobilization, Strategic Communication, Poverty Reduction, Livelihood and Empowerment & others. So other than police internal security operations being launched by the different PNP operational units which are more on the use of firearms & ammunitions, we also have projects which are non-confrontational in nature like the Revitalized Pulis sa Barangay, with the objective of helping our countrymen in Geographically Isolated and Disadvantaged Areas for them to feel the presence of the government so they would not fall prey to the recruiters of the CPP/NPAs,” dagdag pa ni Lt Gen. Vera Cruz.
Siniguro din ng heneral na mananatili pa rin ang momentum ng PNP sa pagtugis sa mga komunistang rebelde na patuloy sa paghahasik ng karahasan.
Kamakailan lamang inatasan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang kapulisan sa region 8 na tukuyin pa ang mga lugar kung saan ginagawa ng NPA ang kanilang mga improvised explosive device (IED).
Ito’y matapos makasagupa ng mga sundalo ng 8th Infantry Division ang nasa 30 NPA members sa Dolores, Eastern Samar.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Vera Cruz na ang natitirang ELCAC funds na ibinigay sa kanila ng Department of Budget Management (DBM) ay gagamitin nila sa iba’t ibang proyekto para mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan lalo na duon sa mga lugar na tinaguriang NPA infested areas.
Siniguro ni Vera Cruz na ang nasabing anti-insurgency funds ay magiging bahagi sa adhikain ng Pangulong Rodrigo Duterte na maging “insurgency free” ang bansa bago pa magtapos ang termino nito sa July 2021.
“We are confident Anne that we will be able to utilize the remaining ELCAC funds till December 31 of this year so that we will be able to contribute to the intention of the President to end this more than 5 decades of insurgency besetting our country before he steps down in July next year for the future of our country and our fellow men,” wika pa ni Vera Cruz.
Una nang inihayag ng heneral na “intact” at walang iregularidad sa anti-insurgency funds ng PNP.
Giit ni Vera Cruz, lahat ng pera na nilalabas mula sa nasabing pondo ay well accounted.