-- Advertisements --

Seryoso ang House of Representatives sa pagsusulong ng economic charter na layong amyendahan ang 1987 Constitution.
Ito ang binigyang-diin ni Majority Leader at Zamboanga Representative Mannix Dalipe.

Sinabi ni Dalipe sa pag-convene ng “Committee of the Whole” lahat ng mga miyembro ng Kamara ay mag participate kung saan papakinggan ang kanilang pananaw, opinion hinggil sa pag amyenda sa economic provision sa Saligang Batas.

Kukuhanan din nila ng posisyon ang mga resource speakers mula sa ibat ibang hanay ng gobyerno.

Kinansela ngayong araw ng kamara ang pag convene ng Committee of the Whole, at itinakda sa Lunes ang pagpupulong.

Nilinaw din ni Dalipe na malabong i-short cut nila ang proseso, sa katunayan magsasagawa sila ng pagdinig tatlong beses sa isang linggo na tatakbo ng ilang linggo.

Binigyang-diin ng house leader, target nila mapakinggan ang lahat ng panig at hindi nila sinusunod ang hakbang ng senado.

Sa ngayon wala pang tiyak na timeline ang kamara kung hanggang kailan matatapos ang pagdinig ng Committee of the Whole.

Sa sandaling matapos na ang pagdinig isusumite ng Committee of the Whole ang kanilang ulat sa plenaryo at saka pagbotohan na ng mga house members.