-- Advertisements --
Posibleng gawing online na lamang ng Kamara ang kanilang pagbabalik sesyon sa Mayo 4 sakaling palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon sa mga panahon na iyon.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, alinsunod sa kanilang legislative calender, magko-convene sa Mayo 4 ang Kamara para sa resumption ng kanilang sessions.
Kumpiyansa naman si House Majority Leader Martin Romualdez na wala silang magiging problema sakaling online idaos ang kanilang session.
Inihalintulad pa nito ang pag-apruba nila sa Bayanihan to Heal as One Ace kung saan halos 300 ng mga kongresista ang nakibahagi rito para gampanan ang kanilang tungkulin.