-- Advertisements --

Nakatakda simulan sa susunod na Linggo ng Kamara ang pagdinig sa mga panukalang umento sa sahod ng mga manggagawa.

Ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo, naka-schedule ang hearing ng House Commitee on Labor and Employment na pinamumunuan ni Rizal Representative Fidel Nograles sa Martes.

Dito inaasahan na ipaliliwanag ng economic managers ang epekto ng wage hike sa isyu ng posibleng pagbagsak ng gross domestic product pagtaas ng bilang ng unemployment at epekto sa inflation.

Nilinaw ni Quimbo na sensitibo ang Kamara sa kalagayan ng ating mga manggagawa pero dapat aralin ang mga epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pagtaas ng unemployment rate.

Aminado si Quimbo, na baka mas malaki pa sa P100 pesos ang wage increase dito sa Metro Manila.

Sa ipinasang bersiyon ng Senado, pare-parehong ipatutupad sa buong bansa ang panukalang P100 peso wage increase na sa tingin niya ay dapat depende sa sitwasyon ng mga manggagawa sa ibat-ibang rehiyon.