-- Advertisements --

Kasabay ng tagumpay ni projected US president Joe Biden, inaasahan na rin ang panalo ng kanyang kapwa Democrat candidate na si Kamala Harris bilang bise presidente ng Amerika.

Makasaysayan ang magiging panalo ni Harris bilang kauna-unahang babaeng pangalawang pangulo ng Estados Unidos. Siya rin ang kauna-unahang black o African-American, at South Asian na hahawak ngayon ng isa sa pinakamataas na posisyon ng gobyerno.

Sa kanyang Twitter post, nagpasalamat ang 56-year old vice president elect sa mga sumuporta sa kampanya at bumoto sa kanila ni Biden.

“This election is about so much more than @JoeBiden or me. It’s about the soul of America and our willingness to fight for it. We have a lot of work ahead of us. Let’s get started.”

Bago tumakbo bilang presidente, naging attorney general ng California state si Harris. Siya rin ang kauna-unahang babae at black na nagtrabaho sa nasabing posisyon.