-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Unti-unting nararamdaman ang pagbalik sa normal ng kalagayan sa Australia mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Eunice Dapuyen, isang Pinoy na residente ng Sydney, Australia, sinabi niyang nagbubukas na ang mga shops doon at marami ng mabibiling mga produkto.

Sinabi niyang itutuloy na rin ang klase ng mga estudyante sa mga paaralan ngunit limitado lamang ang bilang ng mga maaaring pumasok habang online ang klase ng iba.

Inihayag pa ni Dapuyen na maaari na ring bisitahin ng mga tao doon ang kanilang mga kamag-anak.

Aniya, inaasahang lalo pang babalik sa normal ang kalagayan sa Australia sa mga susunod na araw.