CENTRAL MINDANAO- Bumubuti na ang kalagayan ng isang pasyente sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City na unang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19).
Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng Department of Health (DOH-12) Center for Health Development na si Arjohn Gangoso.
Dahan-dahan na umanong bumubuti ang kalagayan ng pasyenteng si PH145 na unang nagpositibo noong Marso 17,2020.
Mahigpit na binabantayan sa CRMC si PH145 at posibleng makalabas na sa pagamutan.
Sa isinumiteng report ng Regional Epidemiology and Surveilance Unit (RESU) mula Enero 29 hanggang sa kasalukuyan ay nasa 857 ang naiulat na Persons Under Monitoring (PUM) sa buong rehiyon-12.
Umaabot naman sa 119 ang naka-kumpleto ng kanilang 14 day home quarantine samantalang ang 738 ay kasalukuyang nasa home quarantine.
Sa datus na inilabas ng DOH-12 Center for Health Development ng Person Under Monitoring (PUM) ang Cotabato City ay mayroong 22, General Santos City 181, Cotabato Province 4, Sarangani 195, South Cotabato 278 at Sultan Kudarat na mayroong 58.