-- Advertisements --

Nananatiling nasa 30,000 pa rin ang bilang ng mga kakulangan ng guro sa bansa.

Ito ay kahit na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ng 16,000 na bagong teaching position.

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Undersecretary for human resources and organizational development Willie Cabral , na ang 16,000 na bagong posisyon ay bahagi ng 20,000 na teaching post na naiplano ngayong taon.

Base kasi sa kanilang inventory, na mayroong 56,000 na grupo ang kulang pa rin.

Noong 2024 ay nabigyan sila ng 22,000 at 20,000 naman ngayon taon.

Kung pagbabasehan aniya ang teacher-student ratio ay nasa 30,000 pa guro ang kulang.

Nagpapatuloy ang ginagawang assesment ng DepEd sa mga kakulangan ng guro at kanilang hihilingin ang tulong sa DBM.