-- Advertisements --
Nilinaw ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang kakaibang liwanag na nakita sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong Abril 11, Sabado ng gabi ay dulot ng pagdaan ng inilunsad na Jielong-3 rocket.
Namataan ang kakaibang liwanag sa Pangasinan at Tarlac.
Ayon sa ahensya, inilunsad ang rocket bandang alas-7:32 ng gabi mula sa disputed waters (South China Sea), at posibleng ito rin ang nakita sa kalangitan bandang alas-7:40 ng gabi noong Abril 11, 2026.
Tinawag ng PhilSA ang phenomenon na “space jellyfish,” kung saan ang usok ng rocket sa mataas na atmosphere ay naiilawan ng araw habang madilim na sa lupa, kaya nagmumukhang makinang at tila hugis-dikya na liwanag sa kalangitan.
















