-- Advertisements --
Bibigyang prioridad ngayon ni Kai Sotto ang pagpapahinga matapos ang paglalaro niya sa NBA Summer League.
Sinabi ng kaniyang agent na si Tony Ronzone na tututukan ng 7-foot-3 na player ang pagpahinga para mabawi ang pagod sa halos dalawang taon na magkakasunod na laro.
Maaring magpahinga muna ito ng 10 araw dahil sa kaniyang back spasm at siya ay magbabalik sa pagsabak sa Gilas Pilipinas.
Mula kasi ng luwagan ang COVID-19 restrictions noong 2020 ay naglaro na si Sotto sa Adelaide 36ers sa Australia, Hiroshima Dragonflies sa Japanese B. League at sa Gilas Pilipinas noong FIBA World Cup Asia Qualifiers.