-- Advertisements --

Balik ensayo na si Kai Sotto habang papagaling na mula sa kaniyang anterior cruciate ligament (ACL) tear sa kaniyang kaliwang tuhod.

Nagsagawa ito ng non-contact training sa Japan matapos ang ilang buwang hindi paglalaro.

Nitong Enero ng makamit niya ang injury at ilang linggo noon ay sumailalim ito sa operasyon.

Nakasama ng 7-foot-3 na si Sotto ang ilang manlalaro ng Koshigaya Alphas sa Saitama.

Inaasahan na makakasama na ito sa Japanese B-League 2025-2026 season an magbubukas sa buwan ng Oktubre.

Dahil dito ay inaasahan ni Sotto na makakapaglaro na rin siya sa Gilas Pilipinas.