Siniguro ng Department of Agriculture na mas lalo pa nilang mapahusay ang programa ng pamahalaan na nakatutok sa pagbebenta ng mga sariwang agricultural product sa mga mamimili sa abot kayang presyo.
Ito ay sa pamamagitan ng Kadiwa store chain sa buong bansa na isa sa mga pangunahing proyekto ng administrasyong Marcos.
Sa ilalim kase ng pinakabagong guidelines ng Kadiwa Financial Grant Assistance Program, nilimitahan lamang ang halaga na ibibigay sa mga intended beneficiary ng naturang programa.
Tinatayang aabot sa limang milyong piso at ito ay gagamitin upang maging equip ang mga magsasaka at mga mangingisda para maging reliable at efficient supplier ng mga pagkain.
Kung maaalala, naglabas ang Department of Agriculture ng memorandum circular ng Kadiwa program noong 2021.
Ang naturang mga guidelines ay nakatuon sa pagtitiyak ng accessibility at availability ng mga basic commodities sa mga lugar na mataas ang demand ng mga mamimili lalo na sa mga lugar na nakakaranas ang mga pamilya ng financial depression.
Sinabi rin ng Department of Agriculture na napatunayan na ng Kadiwa Program ang pagiging epektibo nito sa direktang pagdadala ng mga sariwa at abot kayang mga produkto sa mga mamimili.
Sa kabila nito ay aminado ang Department of Agriculture na malaking hamon pa rin ang operasyon ng Kadiwa sa ilang bahagi ng bansa.
Ilan aniya sa mga magsasaka at mangingisda ay nakararanas ng kakulangan sa kanilang kakayahan na matustusan ang supply at mga requirements ng mga institutional buyers.
Layunin ng mga bagong rules na madagdagan ang bilang ng mga kalahok na magsasaka at mga fisherfolk cooperatives and associations at hikayatin ang pakikipagtulungan ng mga mamimili ng pribadong sektor upang matiyak ang sustainability ng agri-enterprise program.