Hinimok ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang publiko na isabay sa pagdiriwang ng 165th birth anniversary ni Andres Bonifacio ang kabayanihan ng mga atleta ng Pilipino na sasabak sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian (SEA) Games.
Sa isang statement, sinabi ng PHISGOC na marapat lamang na bigyan ng tribute ang delegado ng Pilipinas sa biennial sporting event na maitututring anila bilang modernong bayani ng bansa.
“Today, we celebrate the birth of one of our greatest national heroes, Gat Andres Bonifacio, who was known for his courage and love for the Philippines. Coincidentally, we also celebrate the heroic feats of our Filipino athletes who continue to raise the country’s flag through sports,” saad ni PHISGOC chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Nanawagan din si Cayetano sa mga Pilipino na suportahan ang Filipino athletes, na aniya’y taglay ang mga katangian ni Bonifacio.
“They exude courage every time they fight in their respective sports events. And they do so with the goal of bringing honor to the Philippines,” ani Cayetano.
“Our athletes are heroes in their own way because of the tremendous pride they bring to our nation. They deserve all the praise they can get from their fellow Filipinos, especially now that the 30th SEA Games is officially starting today,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa lider ng Kamara, ang hosting ng Pilipinas ng SEA Games ay magandang pagkakataon para maipakita ang angking world-class na mga talento ng mga Pilipino.