Nakatakdang labanan ng Japanese fighter na si Yuya Wakamatsu si ONE Strawweight MMA World Champion Joshua Pacio sa Nobiyembre-16.
Maghaharap ang dalawa sa ilalim ng ONE Flyweight MMA World Championship.
Sa kasalukuyan, hawak ni pacio ang Strawweight belt ngunit lalaban siya sa mas mataas na dibisyon para harapin ang Japanese fighter.
Hawak ng Japanese fighter ang 19-6 na win-loss record kung saan sa labingsiyam na panalo, 12 ang naipanalo niya bilang knockout (KO).
Kasalukuyan din siyang five-fight winning streak, at huling hinarap si Adriano Moraes sa octagon nitong March 2025.
Hawak naman ni Pacio ang 23-4 win-loss record kung saan siyam dito ang nagawa niya sa pamamagitan ng submission. Huli niyang na hinarap ang batikang MMA artist na si Jarred Brooks noong Pebrero sa pamamagitan ng TKO, kaya’t napunta sa kaniya ang strawweight title.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa Tokyo, Japan.










