-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakapagtala muli ng panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ito na ang pang 18 kaso ng kumpirmadong COVID-19 sa bayan.

Matatandaang sa 18 nasa 13 rito ay recovered na habang lima ang nananatiling aktibong kaso.

Samantala, ang bagong kaso ay isang senior citizen na kung saan may travel history ito sa Davao City.

Kaugnay nito, mas pinaiigting ng Rural Health Unit (RHU) Kabacan ang mga pagkuha ng health declaration matapos mapag-alaman na wala ito sa listahan ng mga nakalabas ng bayan.

Suportado naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang mandatong ito ng RHU.

Aniya, dapat ay maging totoo ang bawat Kabakeño sa pagkuha ng declaration lalo pa’t malaki ang maitutulong nito sa contact tracing at monitoring.

Sa ngayon ay nakapagtala na ng 271 COVID-19 positive cases ang probinsya ng Cotabato, nasa 44 ang active cases at 216 na ang recoveries.