sulli
Sulli

Natagpuang patay ang K-pop star na si Sulli sa kaniyang bahay.

Ayon sa manager nito nakita na lamang niyang walang malay ang 25-anyos na singer at actress.

Malaki ang paniwala ng mga kapulisan na ito ay nagpkamatay at kanila na rin itong iniimbestigahan.

Nakatagpo pa ng isang sulat nito sa katabi niya sa loob ng kaniyang bahay sa Sujeong-gu, Seongnam sa Seoul South Korea.

Nakilala si Choi Jin-ri noong ito ay bata pa at sumikat sa pagkanta sa girl group na F(x) noong 2009.

Umalis ito sa grupo noong 2015 at nag-concentrate na lamang ito sa acting hanggang nakapabalik ito sa singing career na naglabas ng bagong kantang “Goblin” noong Hunyo 2019.