-- Advertisements --

Nilinaw ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) na hindi dapat basta pakawalan ang mga minor na suspect sa malagim na pamamarila sa isang high school compound sa Tacloban City.

Paliwanag ni JJWC Executive Director Tricia Clare Oco, sa ilalim ng Juvenile Justice Law ng bansa ay may pananagutan pa rin ang mga suspect kahit pa sila ay parehong mga minor.

Kung mapapatunayan aniya na ang mga suspect ay gumawa ng krimen sa pamamagitan ng akmang discernment process, maaari pa rin silang maharap sa conditional criminal liability.

Sa ngayon, kailangan muna aniyang dumaan ang mga suspek sa kaukulang intervention programs o mailagay sa ilalim ng detention batay sa legal procedures at sa gugulong na case developments.

Pinabulaanan din ni Atty. Oco ang mistulang public opinion na maaari lamang palabasin ang mga suspect nang walang pananagutan.