-- Advertisements --
received 429604312443662

Tiniyak ni Department of Justice Secretary Boying Remulla na hindi ito makikialam sa kaso ng anak matapos maaresto sa Las Pinas City at mahulihan ng P1.3 million na halaga ng kush o high grade marijuana.

Sa isang hand written statement ng kalihim, sinabi nito na hindi siya makikialam sa kaso ng anak at hindi iimpluwensiyahan ang paggulong ng kaso.

Ayon pa sa kalihim, dapat harapin ng anak anoman ang consequences o kahihinatnan ng naging aksyon nito at dapat hayaang gumulong ang hustisya.

Nagpasalamat din ang kalihim sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paggampan sa kanilang trabaho ng walang takot o kinikilingan.

Aminado si Remulla na mahirap para sa kanya at sa kanyang pamilya ang sitwasyong ito subalit balewala aniya ito sa pinagdadaanan ng maraming Pinoy.

Sa pambungad na pananalita ng kalihim, sinabi nito na isa siyang ama at kalihim din ng DoJ, mga tungkulin na parehong seryoso.

Binanggit nito ang patungkol sa unconditional love subalit ayon kay Remulla- 38-anyos na ang kanyang anak at dapat nitong harapin ang kanyang suliranin dahil sa kanyang mga nagawa.