-- Advertisements --
ESTELA PERLAS BERNABE

Handang handa raw si Senior Associate Justice Estela-Perlas Bernabe na susunod na magiging punong mahistrado ng Korte Suprema.

Kasunod na rin ito ng maagang pagreretiro ni Chief Justice Diosdado Peralta sa Marso 27.

Sa public interview na idinaan sa videoconferncing ng Judicial and Bar Council (JBC) at sa pagtatanong ni Judge Franklin J. Demonteverde kaugnay ng kalusugan ng pinaka-senior na mahistrado ng Supreme Court (SC), sinabi nitong malusog ito at fit na fit sa position.

“I am very, very healthy and I am fit to be promoted to the position of chief justice. My medical certificates could attest to that,” ayon sa 68-anyos na mahistrado.

Gayunman, nabunyag naman sa interview ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ni Bernabe.

Sa isyu ng Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sinabi ni Bernabe na wala itong itinatago kaya naman payag itong isapubliko ang kanyang SALN para sa transparency.

Naniniwala rin ito sa posisyon ni Ombudsman Samuel Martires na asset statements ay puwedeng gamitin laban sa mga government officials.

“I have really nothing to hide. It’s just that sometimes people tend to criticize or to find ways and means to really destroy the reputation of a justice. If there are complaints against the justice, then I think the complainant should really file a case in the proper forum,” base sa pagtatanong ng JBC member at retired SC justice Noel Tijam.

Inilatag din niya ang kanyang short at long term plans sa hudikatura kabilang na ang computerization ng basic court processes, pagbuo ng rules para ma-decongest ang mga court dockets, kukuha ng pool of lawyers na aalalay sa SC justices sa resolusyon ng mga kaso.

Si Bernabe na nasa Korte Suprema na noon pang 2011 ay dalawang beses na ring napasama sa shorlist pero si dating Chief Justice Lucas Bersamin ang napili ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Napasama rin siya sa shortlist kasabay ng kasalukuyang punong mahistrado.

Nakatakda namang magretiro si Bernabe sa May 2022.