Kapwa kinondina ng Jordan at Egypt ang pagpaparusa sa mga mamamayan ng Gaza dahil sa labanan sa pagitan ng Hamas militants at Israel Defense Forces.
Ito ang naging resulta ng pagpupulong nina Egyptian president Abdel Fattah al-Sisi at Jordan’s King Abdullah II bin Al-Hussein sa Cairo.
Nagbabala din ang hari ng Jordan na ang kaguluhan ay hindi malayong kumalat pa sa mga rehiyon.
Mula kasi noong Oktubre 7 ng magsagawa ng surpresang pag-atake ang Hamas militants sa Israel ay hindi na tumigil ang Israel na gumanti sa pamamagitan ng airstrikes sa Gaza.
Hinarangan ng Israel din ang mga supplies ng pagkain, tubig, langis at kuryente sa Gaza matapos ang atake.
Ang Egypt kasi at ang Jordan ay siyang unang arab states na may magandang relasyon sa Israel ay sila ang namamagitan sa anumang kaguluhan doon.