-- Advertisements --
Ibinunyag ng American rockstar na si Jon Bon Jovi na hindi siya nakaligtas na matukso sa ibang babae.
Ito ay kahit na naging tapat siya sa high school sweetheart at naging asawa na si Dorothea.
Inamin nito na bilang sikat na bokalista ng bandang Bon Jovi ay hindi maiwasan na lapitin ng mga babae.
Lalo aniya noong kasagsagan ng kasikatan ng banda noong dekada 80 ay hindi bababa sa 100 babae ang kaniyang nakarelasyon ng panandalian.
Giit nito na hindi siya santo dahil natukso rin ito sa mga nakapaligid nito gaya ng mga nangyayari sa mga rockstar.
Kahit na ganun aniya ay naging tapat siya sa asawa mula noong ikasal sila noong 1989.