Humingi ng privacy ang aktor na si Jomari Yllana para sa buong detalye ng kanilang relasyon ni Abby Viduya o kilala noon bilang Priscilla Almeda.

Matatandaang sa lumabas na kwento sa PEP.ph, inamin ni Jomari na si Abby nga ang babaeng ka-date niya.

Pero dahil ayaw nitong makaladkad ang pamilya ng dating aktres, mas gusto na lang daw niyang ilayo sa mata ng publiko ang anumang meron sila ng dati niyang kasintahan.

Nabatid na nabuo ang relasyon ng dalawa noong 90’s ngunit nagkahiwalay.

Nakapag-asawa si Abby ng non-showbiz guy, habang si Joms ay naging dating karelasyon ni Aiko Melendez at isang Joy Reyes, ngunit nauwi rin sa hiwalayan.