Papalayo na ang tropical storm Jolina, matapos ang siyam na landfall mula sa Visayas hanggang Luzon.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 125 km sa kanluran hilagang kanluran ng Iba, Zambales.
May lakas ito ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 115 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Signal No. 1:
Western portion ng Pangasinan (Anda, Bolinao, Infanta, Aguilar, Sual, Labrador, Dasol, Bugallon, Burgos, Mabini, Agno, City of Alaminos, Bani, Lingayen, Mangatarem) at northern portion ng Zambales (San Antonio, Botolan, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Palauig, Iba, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)
Samantala ang typhoon Kiko naman ay namataan sa layong 800 km sa silangan ng Baler, Aurora.
May lakas itong 185 kph at pagbugsong 230 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.
Signal No. 1:
Eastern portion ng Cagayan (Buguey, Lal-Lo, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca) at northeastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, San Pablo, Cabagan, Palanan)