Inanunsiyo ng actor na si Johnny Depp at singer Jeff Beck na sila ay maglalabas ng title.
Nakatakdang ilabas ang kanilang “18” album sa darating na Hulyo 15.
Unang inilabas ng dalawa ang kantang “This Is A Song For Miss Hedy Lamarr” na bahagi ng album.
Sinabi ni Beck na bumabalik ito sa pagkabata sa edad na 18 kapag kasama niya si Depp na kumanta kaya doon na rin kinuha ang titulo ng album.
Matagal ng magkaibigan ang dalawa kung saan kasama si Beck sa kanta ng Hollwood Vampires ang supergroup na binuo ni Depp kasama ang ilang musicians na sina Alice Cooper at Joe Perry noong 2012.
Magugunitan noong nakaraang mga linggo ay pinpapanagot ng korte ang actor at dating asawang si Amber Heard sa defamation case na inihain nila sa isa’t-isa kung saan ginawaran ng mas mataas na monetary damages si Depp.