CAUAYAN CITY- Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang job order employee ng DPWH matapos masamsaman ng illegal na droga sa isinagawang drug buy bust Operation sa Barangay Rosario, Santiago City.
Ang suspek ay si Harris Balignasay, 34 anyos, may asawa, isang job order employee ng DPWH Isabela at residente ng nabanggit na lugar.
Magkatuwang ang mga kasapi ng City Drug Enforcement Unit, Presinto Dos at PDEA Region 2 sa isinagawang Anti Illegal Drug Buybust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.
Nagbenta umano ng illegal na droga ang pinaghihinalaan sa isang Police na naging Poseur Buyer at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu at buybust money.