JLO
Jennifer Lopez / IG post

Nagpasya ang mag-asawang Jennifer Lopez at Alex Rodriguez na magbigay ng pagkain sa loob ng isang taon sa isang elementary school sa Tennessee.

Naantig kasi ang puso ng singer ng mapanood ang Facebook post ng guro ng Jacksboro Elementary School.

Ayon sa gurong nagpost na si Brooke Goins, naawa ito sa karamihang estudyante niya dahil wala silang makain sa kani-kanilang mga bahay.

Gumawa na rin aniya ng paraan ang guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa kaniyang mga estudyante.

Dahil dito ay nagpasya si JLo ata asawa nito na magbigay na lamang ng pagkain na sapat sa isang taon.