Binigyan ng pagkilala ng paaralan kung saan pumapasok ang anak ni NBA star Kobe Bryant na si Gianna.

Kasabay ng pagbibigay pugay ng Harbor Day School ay kanila na ring ni-retire ang number 2 jersey ng 13-anyos na si Gianna.

Dinaluhana ng ina nito na si Vanessa ang nasabing programa at hindi nito maiwasang maging emosyonal.

Nagbahagi ito ng larawan sa kaniyang social media na may caption kung gaano niya ito ka-miss.