Inilunsad na ni Jennifer Lopez ang kaniyang sariling footwear at accessories.

Naging katuwan ng sikat na singer at actress ang retailer na Designer Brands para sa bagong |JLO Jennifer Lopez” collection ng mga sapatos at handbags.

Sa mga susunod na buwan ay mabibili na ang nasabing mga bags at sapatos sa iba’t-ibang panig ng US at Canada.

Ayon sa singer na mula pa noon ay nais niyang gawin ang lahat, musika, pelikula at fashions.

Magugunitang naging modelo ito sa mga sikat na brand gaya ng Versace, Guess at Coach.