Nagpakawala ng 32 big points si Bojan Bogdanovic upang malusutan ng Utah Jazz ang tangkang paghahabol ng Detroit Pistons, 111-105.

Tangan ng Utah ang 22-point lead sa second quarter, ngunit nagpumilit ang Pistons na makabangon at nagawang maitabla ang iskor sa unang bahagi ng final canto.

Matapos nito ay inihulog ng Jazz ang 18-2 bomba, pero muntikan na rin itong masayang dahil sa comeback effort ng Detroit.

Abanse na ng isa’t kalahating laro ang Jazz para sa No. 4 spot sa Western Conference.

Umalalay din si Donovan Mitchell na pumoste ng 25 points para sa Utah, na nasungkit din ang kanilang ikalimang sunod na panalo.

Sa panig naman ng Detroit, umiskor ng career-high na 30 points.