-- Advertisements --

Tinambakan ng Utah Jazz ang Charlotte Hornets gamit ang walang humpay na three point shots, 132-110.

Mula sa first half, hindi tinantanan ng mainit na mga kamay ng Jazz sa three point area na umabot sa franchise record-breaking na 28 three pointers.

Kabilang na rito ang 19 na three points mula kanilang bench.

Donovan Mitchell
Mitchell Donovan/ IG post

Batay sa NBA STATS, ito na ang pinakamarami sa kasaysayan kung pagbabatayan ang mga naipasok ng bench players.

Kumana si Donovan Mitchell ng 23 points at eight assists, habang sina Joe Ingles at Georges Niang ay nagsama ng puwersa na merong career-high na tig-seven na three pointers.

Nagtapos ang dalawa na may 21 points bawat isa.

Ang Fil-Am naman na si Jordan Clarkson ay hindi rin nagpahuli na nagtapos sa 20 points kasama na ang pumasok na limang three pointers.

Sa ngayon top team pa rin ang Utah na hawak ang 25-6 kartada.

Samantala sa Hornets (14-16) nasayang naman ang diskarte nina Gordon Hayward at LaMelo Ball na kawpa may 21 points.

Sunod na haharapin sa Huwebes ng Hornets ang Suns.

Habang host naman ang Jazz sa banggaan nila ng defending champion na Lakers sa nasabi ring araw.