-- Advertisements --

Pasok na sa roster ng Team LeBron para sa NBA All-Star Game si Utah Jazz guard Mike Conley matapos siyang ipalit kay Devin Booker ng Phoenix Suns dahil sa injury.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBA na dumanas ng sprain sa kaliwang tuhod si Booker, na unang pinangalanang All-Star reserve makaraang humalili kay Los Angeles Lakers center Anthony Davis.

Si Conley din ang kukuha ng spot ni Booker sa 3-point contest.

Ang 33-anyos na si Conley ang ikatlong kinatawan ng Utah Jazz sa All-Star Game, sunod kina Donovan Mitchell at Rudy Gobert.

Sa kanyang ikalawang taon sa Jazz matapos ang 12 season sa Memphis Grizzlies, nagtala si Conley ng average na 16.1 points, 5.7 assists, 3.5 rebounds at 1.4 steals per game, at may 42.2% din mula sa 3-point range.

-- Advertisement --