Ikinasal na si Barangay Ginebra star Japeth Aguilar sa kaniyang kasintahan na si Cassandra Naidas.

Sa kaniyang Instagram account nagpost ang Gilas Pilipinas star ng larawan ng civil wedding nila ng dating beauty queen na nobya nitong Biyernes.

Naging magkasintahan ang dalawa ng mahigit na tatlong taon.

Noong 2015 ay unang nag-propose ng kasal si Aguilar sa nobya na isinagawa sa labas ng paliparan.

Si Naidas ay nagtapos bilang first runner-up sa Miss World Philippines noong 2015.