-- Advertisements --

Hiniling ng Japanese government ang lahat ng mga foreign dignataries na dadalo sa state funeral ni dating Prime Minister Shinzo Abe na dapat magsuot sila ng face masks.

Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno na mayroon arng banta ang COVID-19 at para hindi na ito kumalat ay mahalaga ang pagsusuot ng face mask.

Ang nasabing kahilingan ay taliwas sa nangyari noong libing ni Queen Elizabeth II kung saan hindi na nakasuot ng face mask ng dumalo sina Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako.

Bagamat bumaba na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Japan ay patuloy pa rin ang panghikayat ng kanilang gobyerno na magsuot ng face mask.