Nagpositibo sa marijuana ang Japanese boxing champion na si Kazuto Ioka.

Ang nasabing resulta ay inilabas matapos ang walong round na pagkatalo nito kay Kosei Tanaka noong Disyembre sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.

Tiniyak naman ng abogado nito na si Masanao Hattori na makikipagtulungan ang WBO super flyweight champion sa anumang imbestigasyon na gagawain ng National Police Agency at Japanese Boxing Commission.

Mariing pinabulaanan naman ng kampo nito na gumagamit ito ng iligal na droga.

Magugunitang nabigo ang 32-anyos na si Ioka sa kamay ni four-division champion Donnie Nietes sa pamamagitan ng split decision sa WBO super flyweigth crown.