-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang bagong plano nilang pagpapalawig ng bukas at malayang Indo-Pacific.
Sinabi nito na mayroong inilaang $75-bilyon para sa Indo-Pacific pagdating ng 2030 sa pamamagitan ng private investments ay yen loans.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa New Delhi kung saan layon nito ang magkaoron ng matibay na partnerships sa mga bansa ng South at Southeast Asia para matapatan ang pagiging agresibo sa lugar.
Sinabi pa nito na ang bagong bukas at libreng Indo-Pacific place ay mayroong “four pillars” pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar at ang pagkakaroon ng global connectivity sa iba’t-ibang platforms.