-- Advertisements --
Naglaan ng panibagong $5.5 bilyon na tulong ang Japan sa Ukraine.
Kinumpirma ito mismo ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na siya ring pangulo ng Group of Seven na sumali sa mga bansa para ipatupad ang sanctions sa Russia dahil sa paglusob nila sa Ukraine.
Ang nasabing halaga ay dagdag pa sa naunang tulong ng Japan na nagkakahalaga ng $600 milyon.
Sinabi nito na mayroong inilaan na pangkabuhayan ang Japan sa mga taga Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero 24, 2022.