-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Health Ministry sa Japan ang paggamit ng steroid drug na dexamethosone para sa paggamot ng mga pasyente na nadapuan ng novel coronavirus.
Ang nasabing gamot na isang murang uri ay ginagamit sa mga may sakit baga.
Noong nakaraang buwan ay nakakuha ng malaking atensiyon ang gamot sa Britanya dahil nagbabawas ng oras ng panahon ng kamatayan ng mga pasyente na nadapuan ng COVID-19.
Nakakuha naman ng go-signal ang nasabing gamot sa World Health Organization (WHO) na sinasabing isang malaking posibilidad na ito na ang gamot sa nasabing virus.