-- Advertisements --

Lubos ang pasasalamat ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) matapos na makatanggap sila ng mga gymnastics equipment na donasyon mula sa gobyerno ng Japan.

Ang nasabing kagamitan na nagkakahalaga ng nasa P7 milyon ay isang bahagi ng Grant Assistance for Cultural Grassroots Projects.

Pinangunahan ni Japan’s Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko and Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion ang pagtanggap ng nasabing mga kagamitan na inilagay sa kanlang bagong Training Center sa Rizal Memorial Complex sa Malate, Maynila.

Kabilang dito ay mga men’s parallel bars, women’s balance beam, vault at soft mats.

-- Advertisement --

Sinab ni Carrion na sa nasabing mga kagamitan ay makakatulong sa paghasa sa mga gymnast ng bansa para magtagumpay sa mga torneo na kanilang lalahukan sa ibang bansa.