-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ng Japan ang ginawang military operations ng Russia sa karagatang sakop nila.

Kasunod ito sa pagkumpirma ng Russian defence ministry na nagsagawa sila ng testing ng supersonic antiship missiles.

Nagpakawala kasi ang dalawang barko ng Russia ng nasabing Moskit supersonic cruise missiles. na mayroong conventional at nuclear warhead capacity.

Matagumpay nilang natamaan ang inilagay nilang target na may layong 100 kilometers.

Ang P-270 Moskit missile o SS-N-22 Sunburn ay medium range supersonic cruise missile ng Soviet na may kakayahang sumira ng barko sa layong 120 kilometro.